Announcement Image

MECO November Schedule


Posted 2018-10-31 11:28:58

Walong MECOnnect Townhall Meetings ang inihanda ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ngayong buwan ng Nobyembre 2018 para sa ating mga kababayang Pilipino sa Taiwan.

Ang MECOnnect Townhall Meetings ay isang serbisyong ginagawa ng mga opisina ng MECO sa Taiwan upang mas lalong mapalapit at mapagsilbihan ng opisina ang mga Pilipinong manggagawa sa Taiwan. Ang bawat MECOnnect meeting ay nagbibigay ng mga sumusunod na serbisyo:

- Orientation about passport online appointment

- OEC - BMOnline Registration Tutorial

- OWWA membership renewal

- PAG-IBIG record verification and orientation about its programs and services

- SSS registration/reactivation and orientation about its programs and services

- Opening of Landbank accounts

Ipinapaalala din na ang passport application/renewal at releasing ay hindi kasama sa mga serbisyo ng MECOnnect sapagkat ang mga ito ay maaari lamang gawin sa mga opisina ng MECO.

Isinara na rin noong Setyembre 30, 2018 ang overseas absentee voting registration para sa darating na 2019 senatorial elections.

Narito ang schedule ng mga magaganap na MECOnnect Townhall Meetings ngayon buwan ng Nobyembre:

1. November 3, 2018 (Yellow House, Kaohsiung City)

2. November 10, 2018 (National  Taitung Living Art, Taitung City)

3. November 11, 2018 ((National  Taitung Living Art, Taitung City)

4. November 14, 2018 (Dartwits Shuili Dorm, Hsinchu City)

5. November 15, 2018 (Dartwits Shuili Dorm, Hsinchu City)

6. November 17, 2018 (Douliu City, Yunlin County)

7. November 24, 2018 (Miaoli Champion Dorm)

8. November 25, 2018 (Jesus Is Lord Tainan)