Manila Economic and Cultural Office

Manila Economic and Cultural Office Philippine Representative Office in Taiwan

Follow Us:
Manila Economic and Cultural Office

Manila Economic and Cultural Office Philippine Representative Office in Taiwan

2025 Philippine Elections Result in Taiwan

Posted: 5/13/2025 6:23 PM

Ang Certificate of Canvass (COC) para sa 30-araw na overseas voting sa Taiwan para sa Pambansang Halalan 2025 ay maaari nang makita sa opisyal na website ng Manila Economic at Cultural Office.

Ang COC ay naglalaman ng opisyal na resulta ng eleksyon sa Taiwan, na ipinahayag ng Chairperson ng Special Board of Canvassers (SBOC) noong 12 Mayo 2025, sa isinagawang pagbibilang at pag-uulat ng boto sa tanggapan ng MECO Taipei.

Alinsunod sa COMELEC Resolution No. 10181, ang kopya ng COC ay naka-post din sa mga tanggapan ng MECO para sa pampublikong pagsilip o pagtingin.

Ang opisyal na resulta ng halalan sa Taiwan at iba pang mga lugar ay maaaring makita ng publiko sa website ng COMELEC sa: https://2025electionresults.comelec.gov.ph/coc-result

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng MECO sa mga kababayan sa Taiwan para sa kanilang aktibong partisipasyon sa kauna-unahang overseas internet voting para sa 2025 halalan ng Pilipinas.