Manila Economic and Cultural Office

Manila Economic and Cultural Office Philippine Representative Office in Taiwan

Follow Us:
Manila Economic and Cultural Office

Manila Economic and Cultural Office Philippine Representative Office in Taiwan

NOTICE: May 2022 Postal Voting

Posted: 4/8/2022 12:00 AM

NOTICE:

May 2022 Postal Voting

 

         Notice is hereby given to all registered voters for postal voting that voting packets will be dispatched to your registered address. However, you may opt to personally pick-up your voting packets from 10-15 April.

 

Packets not picked up by 15 April shall be sent through postal service.

 

For in person pick-up of voting packet, please e-mail your (a) full name and (b) preferred date and time of pick-up to:

 

FOR MECO TAIPEI - taipei.sbrcg@gmail.com;

 

FOR MECO KAOHSIUNG - khh.sbrcg@gmail.com.

 

Completely filled out ballots may either be returned to MECO via mail using the self-stamped envelope provided or submit the same in person through the designated drop boxes located at:

 

MECO TAIPEI

THE Basement 1, MECO Taipei, Chang Hong New Era Building, No. 55&57 Zhouzi Street, Neihu District, Taipei City, Taiwan.

 

MECO KAOHSIUNG

5F-A, No. 80, Min Tsu 1st Road, Sanmin District, Kaohsiung City, Taiwan.

 

For voters under personal voting, you may proceed to the precinct where your name is registered.

 

 

Please watch out for updates via our official MECO.

 

 


 

 

FAQ: Mga Madalas Itanong Ukol sa Postal Voting

 

Q: Ano ang postal voting?

A: Ang postal voting ay isang paraan ng pagboto kung saan ang isang rehistradong botante sa Overseas Absentee Voting ay makakatanggap ng voting packet mula sa embahada, konsulado, o MECO. Sa loob ng voting packet ay ang nag-iisang balota na nakalaan para sa botante at isang kopya ng gabay kung paano bumoto.

 

Q: Ano ang kaibahan ng postal voting sa personal voting?

A: Sa postal voting, ang voting packet ay ipapadala ng botante pabalik sa embahada, konsulado, o MECO. Maaari ring ihulog ng botante ang voting packet sa dropbox na nakalaan para dito. Ang mga miyembro ng Special Board of Election Inspectors (SBEI) ang magsusuksok ng mga balota sa VCM at hindi ang mismong botante. Samantala, sa personal voting, personal na magpupunta sa embahada, konsulado, or MECO ang botante para bumoto at ihulog ang kanyang balota sa VCM.

 

Q: Ano ang magandang dulot ng postal voting?

A: Ang postal voting ay inilaan para sa mga botanteng malalayo ang rehistradong address. Sa tulong ng postal voting, hindi na kailangang bumyahe ng malayo papuntang MECO. Makakaiwas rin ang mga botante sa pila at dami ng tao, at makakatulong na pigilan ang paglaganap ng COVID-19.

 

Q: Paano ko malalaman ang paraan ng aking pagboto?

A: Maaring i-check ang portal na makikita sa https://access.meco.org.tw/forms/clov o sa mga listahan sa https://www.meco.org.tw/announcements/modes-of-voting  upang malaman ang paraan kung paano kayo boboto.

 

Q: Gusto kong i-pick-up na lang ang aking voting packet at hindi ko na hihintayin na ipadala sa akin ito. Maari ba ito?

A: Opo. Maaring i-pick-up ang inyong voting packet basta’t na-abisuhan niyo ang Special Ballot Reception and Custody Group (SBRCG) ng MECO Taipei o MECO Kaohsiung ukol dito. Upang ipaalam ang inyong kagustuhan na i-pick-up na lang ang inyong voting packet, mag-email sa MECO Taipei (taipei.sbrcg@gmail.com) o MECO Kaohsiung (khh.sbrcg@gmail.com) at ibigay ang (a) buong pangalan at (b) petsa at oras kung kailan niyo balak daanan ang inyong voting packet. Maaring i-pick-up ang voting packets mula 10-15 Abril 2022. Pagkatapos ng 15 Abril 2022, ipapadala na lahat ng voting packets sa rehistradong address ng mga botante.

 

Q: Postal voting ang paraan ng aking pagboto at gusto kong ipadala na lang ang aking balota upang maka-iwas sa tao at sa pila. May bayad ba ang pagpapadala pabalik sa MECO ng aking voting packet?

A: Wala na kayong kailangang bayaran sa pagpapadala ng voting packet pabalik ng MECO. May selyo na pong nakalakip sa return envelope. Dadalhin niyo na lang po ito sa Chunghwa post office.

 

Q: Nakita ko na postal voting ang paraan kung paano dapat ako bumoto. Natanggap ko na rin ang aking balota, ngunit mas madali para sa akin na magpunta ng MECO upang bumoto. Maari ko bang gawin ito?

A: Opo. Maari nyo lang ihulog ang inyong voting packet sa dropbox MECO kung saan kayo rehistrado. Hindi po kayo ang magsusuksok ng inyong balota sa VCM.

 

Q: Maari ko bang utusan ang kaibigan ko na mag-pick-up ng voting packet para sa akin? Magbibigay ako ng kasulatan sa kanya bilang pruweba na pinapayagan ko syang kunin ang aking voting packet.

A: Hindi po. Ang voting packets ay ibibigay lang sa taong naka-laan para dito. Hindi pwedeng ibang tao ang tumanggap nito mula sa SBRCG.

 

Q: Nakita ko ang pangalan ko sa CLOV ng MECO Taipei. Pwede bang sa MECO Kaohsiung ko kunin ang aking voting packet?

A: Hindi po. Ang voting packet na nakalaan sa iyo ay hawak ng MECO Taipei, kung saan ka rehistrado. Sa MECO Taipei mo lang maaring kunin ito at hindi sa MECO Kaohsiung.

 

Q: Rehistrado ako sa MECO Taipei at ang aking voting packet ay mula sa MECO Taipei. Maari ko bang ihulog ang aking voting packet sa MECO Kaohsiung?

A: Hindi po. Ang voting packet ay kailangang ibalik kung saang MECO kayo rehistrado.

 

Q: Hanggang kailan ko pwedeng i-hulog sa dropbox o ipadala pabalik ng MECO ang aking voting packet?

A: Siguraduhing matatanggap ng MECO kung saan kayo rehistrado ang inyong voting packet bago o sa 09 May 2022. Lahat ng voting packets na matatanggap lampas ng 09 May 2022 ay hindi na mabibilang o masusuksok sa VCM.

 

Q: 28 April 2022 na at hindi ko pa natatanggap ang aking balota.

Ano ang gagawin ko?

A: Maaring sumulat sa MECO Taipei (taipei.sbrcg@gmail.com) o MECO Kaohsiung (khh.sbrcg@gmail.com), isaad ang inyong hinaing kasama ng inyong contact number. Ilakip sa e-mail ang scanned copy ng Philippine Passport, at pipilitin naming balikan kayo sa lalong madaling panahon. Kung lumipat man kayo ng tirahan, hinihikayat naming kayong magtanong sa inyong lumang tirahan dahil maaring doon napadala ang inyong voting packet.

 

 

 

BE A NATION BUILDER! GO OUT AND VOTE!